Thesis Filipino 1

  • Uploaded by: desie mae holoyohoy
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Thesis Filipino 1 as PDF for free.

More details

  • Words: 2,780
  • Pages: 22
Loading documents preview...
SALITANG BALBAL: EPEKTO NITO SA MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO SA BAITANG 10

Isang Tesis Na Iniharap Sa mga Kagawad ng Kaguruan JH CERILLES STATE COLLEGE TAMBULIG ESU Tambulig, Zamboanga Del Sur

Bilang Katuparan Sa mga Kailangan sa Pananaliksik I Batsilyer ng Edukasyong Pang-Sekondarya Medyor sa Filipino

Holoyohoy, Desie Mae L. Ornopia, Liliamae P. Sigue, Leonardo G. Sumaoy, Ruby T.

KABANATA I PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang wika ay isang makapangyarihang pangkomunikasyon sa mga tao. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa rin. Ngunit sa makabagong panahon ngayon unti-unting naiimpluwensyahan ang mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Nababago nito ang tamang paggamit ng mga salita.

Sa panahon ngayon, hindi na natin maikakaila ang mabilis na pagbabago ng wika. Katunayan, halos lahat ng dako, kapunapuna ang pamamayam ng salitang impormal. Ang mga salitang ito ay mga salitang imbento na karaniwang bukambibig ngayon ng mga kabataan. Mga salitang wala sa pamantayan at masasabing taliwas sa wikang kinagisnan.

Ayon kay Rodrigo (2009) ang balbal na salita ay isang impormal na uri ng pananalita at pinakamababang uri ng wika na walang porma at basta na lamang nalikha ng tao na may kagaspangan ang mga salita at maaaring may iba’t ibang anyo gaya ng likas at likha. At ayon naman kay Morong et al., (2009) ang mga kabataan ang siyang lumikha ng ganitong anyo

ng

wika,

sa

kanilang

antas

ito

laganap.

Bunga

ito

ng

impluwensyang pangkapaligiran katulad ng palengke, sinehan, telebisyon at iba pa.

Ang mga salita ay dumadaan sa iba’t ibang proseso bago ito matawag na salitang balbal. Ilan sa mga prosesong ito ay ang

sumusunod:

Una

ay

ang

paghango

sa

wikang

katutubo,

halimbawa, mula sa salitang Bisaya na bayot ay nabuo ang salitang bakla na nangangahulugang “lalaki na may pusong babae”.

Ikalawa

ay

ang

panghihiram

ng

wikang

banyaga,

halimbawa, ang salitang effect ay nagiging epek n may ibig sabihing “epekto”. Ikatlong proseso ay ang pagbibigay ng bagong kahulugan, halimbawa, mula sa literal na translasyon a Filipino ng salitang crocodile na buwaya, nabibigyan ito ng bagong kahulugan na “gahaman sa kayamanan at kapangyarihan”. Ikaapat ay ang pagpapaikli ng mga salita tulad ng sigarilyo na nagiging “yosi” na lamang kapag pikaikli. Ikalima ay ang pagbabaliktad ng mga salita, halimbawa nito ay ang bente na nagiging “etneb”. Maaari ring magbaliktad ng papantig tulad ng salitang hindi na nagging “dehin”. Isa pang proseso sa pagbubuo ng salitang balbal ay ang paggamit ng akronim, halimbawa nito ay KGB na may kahulugang “Kung Gabi Bakla” at US

na

nangangahulugang

“under

de

saya”.

Ikapito

ay

ang

pagpapalit ng pantig tulad ng lagpak na nagiging palpak na

ibig sabihin ay “bigo”. Ikawalong proseso ay ang paghahalo ng wika o salita. Halimbawa nito ay mag-MU na may translasyong magka mutual understanding na may ibig sabihin “dalawang taong nagkakaintindihan”. Pinaghahalo ang dalawa o higit pang wika o salita. Ikasiyam na proseso ay ang pagbubuo ng salita sa paggamit ng bilang gaya nang 143 na may ibig-sabihing I love you. At ang ikasampung proseso ay ang pagdaragdag at kombinasyon. (www.senore.com)

Ang maaaring

epekto

ng

magdulot

komunikasyon

na

salitang ng

hindi

maaaring

balbal

sa

mga

mag-aaral

pagkakaintindihan magsanhi

ng

o

ay

malabong

away.

Ito

ay

nakakapagpahina din ng ating kaalaman sa pormal na paggamit ng salita na maaaring makaapekto sa mga mag-aaral sa paaralan. Halimbawa ay ang pagkakamali ng pagsulat o ispeling, ito din ay nagiging hadlang sa pag-unlad ng tamang gamit ng pormal na salita at gramatika lalo na sa pagsulat ng komposisyon o pakikipagtalastasan.

Ang kaalaman at kasanayan sa salitang balbal ay madalas na ginagamit ng mga mag-aaral sa pagpapahayag ng kanilang saloobin

ngayon.

Ito

ay

sa

kadahilanang

madali

itong

matutunan at nagagamit sa pang araw-araw na pakikipaghalubilo at pati na rin sa mga gawaing pang eskwela. Idagdag pa ang mabilis

na pagkaimpluwensya ng mga kabataan ngayon.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung gaano nakakaepekto

ang

asignaturang

Filipino

nakabubuti

o

salitang sa

nakakasama

balbal baiting

sa

sa 10

kanilang

mga na

mag-aaral

kung

pang

ito

sa

ba

ay

araw-araw

na

pakikipagtalastasan. At masagot ang mga tanong na ibinigay sa mga respondent.

Teoretikal o Konseptuwal na Balangkas

Ayon kay Kazuhiro et al., (2009). Ang balbal na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Lalong nanghihikayat ito

sa

mga

kabataan

natin

ngayon

na

makasanayan

nilang

bigkasin ito ng madalas ang mga salita. Ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito ay magdudulot ito ng kalunos-lunos na pangyayari.

DI-MALAYANG BARYABOL

MALAYANG BARYABOL

Pormal na Pahayag

Salitang Balbal

Epekto sa Paggamit ng salitang balbal sa pananalita o pakikipagtalastasan

Epekto sa Pagsulat ng komposisyon

Figura 1: Dayagram ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglayong matuklasan ang mga epekto ng salitang balbal sa mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa Baitang 10 ng Tambulig National High School, sa Panuruang Taon 2018-2019.

Layunin ng Pag-aaral na ito na matugunan ang sumusunod na pangangailangan:

1. Ano-anong mga salitang balbal ang madalas gamitin ng mga mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon at ano ang kahulugan nito sa pormal na pahayag? 2. Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral sa epekto ng paggamit

ng

salitang

balbal

sa

pananalita

o

pakikipagtalastasan? 3. Paano nakaapekto sa pag-unlad ng tamang gamit ng pormal

na

salita

at

gramatika

komposisyon ang mga salitang balbal?

sa

pagsulat

ng

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito, sinuri ang kaugnayan ng epekto ng salitang balbal sa mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa panuriang taon 2018-2019. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa epekto ng salitang balbal sa asignaturang Filipino. Kabilang sa paksa ng pag-aaral ang ika sampung taon ng Tambulig National High School.

Bagamat nagbigay ng pahapyaw na pagtalakay ay nakapokus lang ito sa epekto ng salitang balbal sa paggamit nito sa pananalita o pakikipagtalastasan ng pagiging isang mag-aaral ay hindi dapat pinapalawak ang paggamit ng mga salitang ito pagdating sa paggamit ng pormal na salita at gramatika sa pagsulat ng komposisyon sa kanilang iba’t ibang karanasan sa kanilang buhay at pati na rin sa kanilang mga gawaing pang eskwela.

Madalas

itong

gamitin

ng

mga

mag-aaral

sa

pakikipagkomunikasyon.

Piling

estudyante

lamang

ng

Tambulig

National

High

School ang saklaw sa pag-aaral na ito. Dahil mag-aaral ang kadalasang gumagamit ng mga salitang balbal. Ang pokus lang ng mga mananaliksik na ito ay ang pagkuha ng mga epekto sa paggamit

ng

asignaturang

mga

salitang

Filipino

sa

balbal baitang

sa 10

mga at

mag-aaral

kung

paano

sa ito

nakaapekto sa pag-unlad ng tamang gamit ng pormal na salita at gramatika.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang

pananaliksik

na

ito

ay

ginawa

ng

mga

mananaliksik upang mas madaling maintindihan ang mga epekto sa paggamit ng salitang balbal. Ito ay naging gabay ng mga mananaliksik upang maging tagumpay ang pag-aral nito. Kaya ang pag-aaral na ito ay kapakipakinabang sa mga sumusumod:

Mamamayan. Sa paggamit ng mga salitang balbal huwag masyadong ipaparinig lalo na sa mga mag-aaral dahil lalo itong nakakaiimpluwensyhan sa kanila.

Tagapayu ng paaralan. Hindi dapat gamitin ng mga guro ang salitang balbal sa pagtuturo lalo na sa asignaturang Filipino dahil nagdudulot ito ng pagkababa ng kaalaman.

Magulang.

Hindi

rin

dapat

sanayin

ang

mga

mag-

aaral/bata sa pagamamit ng salitang balbal dahil nagbibigay ito ng hindi maganda sa pakikipagkomunikasyon at pati sa kanilang pagkatoto.

Mag-aaral. Huwag masyadong pagtuonan ng pansin ang mga salitang balbal na naririnig sa paligid dahil nagdudulot ito

minsan ng maling interpretasyon o pakikipagtalastasan sa mga tagapakinig.

Katuturan ng mga Terminolohiya

Ang

mga

sumusunod

na

mga

terminolohiya

ay

ipinapahayag upang lalong maintindihan ang mga inilalahad at pagpapakahulugan ng pananaliksik.

Balbal. Ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang.

Mag-aaral. Siyang taong nag-aaral at maaaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aral at makadiskobre ng mga bagay, lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng

pagigigng

estudyante.

Ang

mga

estudyante

ay

nangangailangan ng mga silid-aralan at mga kagamitan pangeskwela.

Lipunan. Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa sa ibinabahagi ng iba’t ibang kultura at mga

institusyon. Ang lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa sa binubuo na pangkat ng mga tao.

Paaralan. Isang pook na kung saan nag-aaral ang isang mag-aaral upang matutu at magtuturo sa mga estudyante ng makabagong aral.

Pakikipagkomunikasyon. nagdudugtong

sa

hindi

Ito

kilalang

ay

parang

mundo.

daan

Kaya

para

na sa

pinupuntiryang pakikipag-ugnayang pang internasyunal.

Pormal

na

salita.

Ito

ang

mga

salitang

kinikilala,

tinatanggap at ginagamit karaniwan sa paaralan at iba pang nakapag-aral ng wika.

Gramatika. Ito ay gabay sa tama at maayos na pagsamasama ng mga salita sa pagbuo ng isang pangungusap.

Komposisyon. Ang itinuturing mabisang pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal.

Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Inilahad sa kabanatang ito ang mga kaugnayang pag-aaral at

literature

na

mananaliksik.

Ang

umuugnay mga

sa

pamanahong

impormasyong

papel

ng

nakalap

ng

mga mga

mananaliksik ay nakatulong sa paggawa ng mga datos sa mga mananaliksik.

Maraming kabataan ngayon ang gumagamit ng mga salitang balbal dulot ng kahiligan nilang makisabay sa mga bakla, tomboy at mga tambay na tao at sa panonood din ng mga teleserye

at

telenobela

sa

telebisyon

ay

madali

nilang

matututunan ang mga balbal na salita na kadalasang maririnig ng mga mag-aaral. Kaya kinakailangan nila ng gabay mula sa mga nakakatanda upang hindi nila ito madala sa pang araw-araw na pananalita o pakikipagtalastasan.

Ayon kay Rosa Visa Ann B. Arocha (2008) Ang wika ang maituturing

na

sandata

na

kung

saan

ginagamit

ito

para

magkakaunawaan ang bawat isa. Ang wika, pasalita man o pasulat ay maaaring gamitin natin sa ating pakikihamok sa buhay. Ang wika ay binubuo ng mga titik at simbolo na kapag pinagsama-

sama ay maipapahayag ang ating mga saloobin sa ating pamilya, kaibigan at sa ibang mga tao. Ang bansang Pilipinas, ay may iba’t ibang paniniwala at kultura ang naninirahan sa iba’t ibang pulo ng Pilipinas, iba’t ibang diyalekto ang ginagamit. Nagkaintindihan din sila sa paggamit ng iisang wika, ang wikang Pilipino.

Sabi ni G. Joey Arrogante. Ang mga salitang lalabas sa iyong bibig dapat hindi nakakasakit sa kapwa. Ang mga kabataan ngayon

ang

gumagamit

ng

mga

salitang

hindi

madaling

mauunawaan. Ginagamit nila ito sa mga tabi-tabi. Kahit ang mga batang may pinag-aralan ay gumamit din nito. Kadalasan ng mga bakla, tomboy, mga taong tambay ang gumamit ng mga salitang ito. Ginamit nila ito basi sakanilang kausap na mahilig magsalita ng mga salitang kanto.

Sabi din ni J. Lee (2015). “Good grammar is essential to speaking

language,

the

correct

deliberation

of

grammar

enables one to write meaningful sentences and makes speaking possible for one to communicate clearly and effectively”

Ayon kay Kazuhiro (2009). Ang balbal na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Lalong nanghihikayat ito

sa

mga

kabataan

natin

ngayon

na

makasanayan

nilang

bigkasin ito ng madalas ang mga salita. Ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan ng sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito ay magdudulot ito ng kalunos-lunos na pangyayari.

Ayon kay Gette (2010) Ang balbal o islang na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kalye o salitang kanto.

Kabanata III

METODOLOHIYA

Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang detalye kung paano isinasagawa ang pag-aaral tulad ng paglalarawan sa disenyong ginamit

sa

pinagdarausan,

pananaliksik,

mga

instrumentong

mag-aaral,

ginamit

at

kung

lugar

na

paano

ito

ginagamit ng istatistikal na paglalapat.

Desinyo ng Pananaliksik

Isinagawa pamaraang

ang

pag-aaral

deskriptibo

at

na

ito

ayon

pag-aanalisa

na

sa

desinyo

ng

pananaliksik.

Inilarawan sa pananaliksik na ito ang mga epektong naidulot ng salitang balbal sa mga mag-aaral ng Tambulig National High School sa asignaturang Filipino.

Pinagdausan ng Pananaliksik

Ang napiling respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Tambulig National High School. Piling mag-aaral ang nabibilang sa pananaliksik na ito ng Tambulig National High School.

Ang Tambulig National High School ay nasa Lower Lodiong, Tambulig,

Zamboanga

Del

Sur.

May

lawak

na

9.846

metro

kwadrado. May 1063 na mag-aaral at may 30 klasrom na ginagamit para sa pagtuturo. Ito ay pinamamahalan ng Punong Guro na si Dr. Cecilia Z. Colegado, Prinsipal II.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng kwestyuner-tseklist at

deskriptibong

pagsusurbey

upang

makakalap

ng

mga

kailangang impormasyon.

Iskeyl

Ekwebalent

4

-

Matindi ang pagsang-ayon

3

-

Sang-ayon

2

-

Di Sang-ayon

1

-

Matindi ang di pagsang-ayon

Pamaraan ng Paglikom ng Datos

Ito

ay

kwestyuner.

isinagawa Ang

mga

sa

pamamagitan

mananaliksik

ay

ng

tseklist

nagpadala

ng

at

sulat

kahilingan sa tagapamahala ng Tambulig National High School para humingi ng pahintulot na mayroong gagawing pananaliksik ukol sa epekto ng salitang balbal sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa baitang 10.

Pagkatapos maaprobahan ang kahilingan ay nagpunta ang mga mananaliksik sa silid aralan upang magsagawa ng surbey sa mga piling mag-aaral.

Sa pamamagitan ng tseklist at kwestyuner ay nakalikom ng mga impormasyon at datos na kailangan upang malaman kung mayroon bang epekto sa mga mag-aaral ang paggamit ng salitang balbal sa kanilang pang araw-araw na pakikipagtalastasan at pakikipagkomunikasyon.

Istatistikang Paglalapat ng Datos

Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng chi-square upang pagtibayin ang mga nakuhang datos.

Pormula:

(fo – fe) ∑ ----------2 = X fe

X2 = chi-square

fe = expected frequency

fo = observed frequency

∑ = summation

Talahanayan 1. Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Salitang Balbal

Persepsyon

1. Ang salitang balbal ay isang salitang walang pamantayan. 2. Ito ay napapanahong wika. 3. Isang elemento sa kulturang Pilipino. 4. Ito ay sumasalamin sa pagkilos at pag-uugali ng mga mag-aaral. 5. Nakakaapekto sa patuloy na pag-usbong ng wika at gramatika. 6. Ito ay nagdudulot ng kalituhan sa tamang ispeling ng salita. 7. Madaling gamitin sa pakikipagkomunikasyon. 8. Maaaring gamitin sa komposisyong Filipino. 9. Bahagi ng ebolusyong ng wikang Filipino. 10.Ginagamit sa pakikipagtalastasan sa loob ng klase. 11.Salitang kalimitang ginangamit sa lipunan 12.Nagpapahina sa kaalaman sa pormal na paggamit ng salita. 13.Nakakatulong sa pagpapahayag ng saloobin. 14.Nagdududlot ng maling pagkakaintindi sa kausap

Matindi ang pagsang -ayon (4)

Sangayon

Di Sangayon

(3)

(2)

Matindi ang di pagsangayon (1)

15.Nakakaapekto sa mga mag-aaral sa wikang Filipino Ang tseklist at ang kwestyuner na ito ay nabalidasyon sa tulong ng labing-limang tao na hindi napapabilang sa responde sa mga mag-aaral.

J.H. CERILLES STATE COLLEGE – TAMBULIG ESU Happy Valley, Tambulig, Zamboanga del Sur Pangalan: ___________________________________________________ Baitang/Seksyon: ____________________________________________ Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga kahon o punan ang mga salungguhit ng sariling kasagutan. 1. Gumagamit ka ba ng mga salitang balbal?  Oo  Hindi 2. Magbigay ng tatlong salitang balbal na madalas mong sabihin. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 3. Gaano kadalas mo gamitin ang mga nasabing balbal na salita?  Isa hanggang dalawang beses sa isang araw  Tatlo hanggang limang beses sa isang araw  Anim hanggang sampung beses sa isang araw  Higit pa sa mga nabanggit 4. Bakit kaya nauso ang mga salitang ito? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 5. Ano ang iyong dahilan ng paggamit ng balbal na salita? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 6. Paano nakakatulong sa iyo ang paggamit ng balbal na salita? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 7. Ano ang positibong epekto sa iyo ng paggamit ng balbal na salita? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

8. Ano naman ang negatibong epekto ng paggamit ng balbal na salita? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 9. Nabago ba ang pananaw mo sa Wikang Filipino matapos mong matutunan ang mga balbal na salita?  Oo  Hindi Paano? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 10. Sa paggamit ba ng balbal na salita ay napapalawak natin ang Wikang Filipino?  Oo  Hindi Paano? __________________________________________________________ __________________________________________________________ 11. Nararapat bang gamitin ang salitang balbal sa pagsusulat ng isang komposisyon sa Filipino?  Oo  Hindi 12. Gumagamit ka ba ng salitang balbal sa pagsusulat ng isang komposisyon?  Oo  Hindi 13. Nakakaepekto ba ang salitang balbal sa pagsulat ng komposisyon sa Filipino?  Oo  Hindi Paano? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 14. Ang mga katanungan ba’y nakabukas sa iyong isipan na mas pagyamanin pa ang paggamit ng Wikang Filipino kaysa sa

balbal na salita? Kung “Oo” ang iyong sagot, maaari mo bang ilagay ang dahilan sa salungguhit?  Oo  Hindi _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 15. Bukod sa naunang nabanggit na balbal na salita, May iba ka pa bang alam na salita? Kung oo, maaari mo bang ilagay ang mga salitang ito sa salungguhit?  Oo  Hindi _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

Related Documents

Filipino Thesis
January 2021 1
Thesis Filipino 1
February 2021 0
Filipino Thesis
February 2021 1
Filipino
March 2021 0
Filipino
February 2021 2
Thesis
January 2021 4

More Documents from "Sri Sai"