Aralin 1, 2and 3 Sa Eged 104 At Sefl 101.pptx

  • Uploaded by: Criselda Garcia Sario
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Aralin 1, 2and 3 Sa Eged 104 At Sefl 101.pptx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,765
  • Pages: 49
Loading documents preview...
Aralin: 1: Paano ba Tayo Natututo ng Wika?

Mahahalagang salik sa Pagtuturo/Pagkatuto ng Wika  Mag-aaral

 Guro  Materyal

 Estratehiya  Pagtataya

Ang Guro   

manedyer ng makabuluhang gawain fasiliteytor ng pagkatuto ng mga mag- aaral inspirasyon, modelo

Mag-aaral Kakayahan Pangangailangan

Kaibhan

bilang indibidwal

Kagamitan o Materyal nakapupukaw-pansin napapanahon

angkop

klase

sa aralin at lebel ng

Istratehiya kontemporaryo

o napapanahon angkop sa aralin at lebel ng klase nagsasagawa ng gawaing  kolaboratibo o interaktibo

Pagtataya ( Ebalwasyon ) angkop sa nauuri sa:

layunin at gawain a.tradisyonal -lapis at papel -pasanaysay -pagmamasid

Pagtataya ( Ebalwasyon ) b.alternatibo -portfolio -rubrics -journal -reflection -performans

Pasulat na Pantaya Panuring

pagsusulit-bago magsimula ang pagtuturo ng yunit/aralin Pantiyak na pagsusulit -pagkatapos ng isang”period”na pagtuturo Lagumang pagsusulit-pagkatapos ng pagtuturo ng malawak na kasanayan

Aralin 2: Mga Teorya at Simulaing Pangwika sa mga Lapit at Pagdulog

Mga Tradisyunal na Teorya sa Pagkatuto ng Wika

Teoryang Batay sa Gawi (Behaviorist) Skinner (1968) – Binigyang diin ang kahalagahan ng pagganyak, pagsasanay at pagpapatibay upang malinang ang intelektwal na kakayahan sa wika ng magaaral.

Mga Tradisyunal na Teorya sa Pagkatuto ng Wika

Teoryang Batay sa Kalikasan ng Mag-aaral (Innative) Chomsky (Finnochiaro 1968) Naniniwala na likas sa mga bata ang pagkatuto ng wika. Nagaganap ito sa pakikipamuhay ng isang bata sa kaniyang sosyal na komunidad.

Mga Tradisyunal na Teorya sa Pagkatuto ng Wika

Teoryang Kognitib Habang

ginagamit ng tao ang wika, nakagagawa siya ng pagkakamali at natututo. Sa proseso ay nakabubuo siya ng mga tuntunin sa gamit ng wika.

Mga Tradisyunal na Teorya sa Pagkatuto ng Wika

Teoryang Makatao (Humanist) Dito’y isinasaalang-alang ang payapa at positibong saloobin ng mag-aaral sa



klasrum upang maging pagkatuto niya ng wika.

lubos

ang

Ang Kasalukuyan: Mga Pagbabago sa Teoryang Pangwika

Sa loob ng maraming panahon, binigyang-diin ang istruktura at wastong gamitnito sa pagtuturo ng wika. Sa kasalukuyan, higit na isinasaalangalang ang pagkakaroon ng mag-aaral ng kakayahang gamitin ang wikang angkop sa pook, sitwasyon, panahon at layunin ng paggamit nito. Tinatawag itong kakayahang komunikatibo.

Anu-ano ang isinasaalang-alang sa Pagtuturong batay sa Kakayahang Komunikatibo?

Kaligirang Sosyal 1. Gamit ng Wika– May layunin ba itong

magbigay-impormasyon, magtanong, magpahayag ng damdamin, sumang-ayon o sumalungat, manghikayat o makipag-ugnayan?

Anu-ano ang isinasaalang-alang sa Pagtuturong batay sa Kakayahang Komunikatibo? 

Kaligirang Saykolinggwistik– Isinasaalang-alang ba ang mga nosyon, gamit ng wika at sitwasyon?

 Linggwistik–

Binibigyang-pansin ba ang kahalagahan ng yunit ng tunog, salita, bokabularyo at gramatika sa pagbuo ng pahayag?

Mga Batayang Simulain sa Pagtuturo ng Wika

Simulaing Kognitib– awtomatik na paggamit ng wika, paguugnay ng pinag-aaralan at sa tunay na pangyayari, pangganyak sa tulong ng gantimpala, fidbak at papuri, pansariling istratehiya sa pagkatuto.

Mga Batayang Simulain sa Pagtuturo ng Wika Simulaing

Linggwistik – awtomatik na paggamit ng istruktura sa talastasan.

Simulaing

Pansaloobin – kasiyahan sa mga mapanghamong gawaing pangwika, pag-uugnay ng wika sa kultura.

Inobasyon… Pagpapatuloy at Pagbabago ng Tradisyon Ang

lapit o pagdulog ay set ng mga paniniwala o simulaing hango sa mga teoryang pangwika. Sa bawat lapit o pagdulog ay may set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo. Naririto ang ilan:

Set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo.  Grammar

Translation

Nililinang sa mga mag-aaral ang bokabularyo at tuntunin ng wika sa tulong ng pagsasalin. Ayon sa mga kritiko, labis itong nagbigay-diin sa istruktura o gramar ng wikang pinag-aaralan .

Set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo.  Tuwiran

o Direct Method Karaniwang binubuo ng tanungan at sagutan na kadalasan ay ukol sa kaganapan sa silid-aralan. Isinagawa ng Pranses na si Gouin (Finocchiaro, 1986) ang paggamit ng wika sa kaukulang kilos na isinasagawa.

Set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo.  Dulog

na Pagbasa Ang paggamit nito ay pinangunahan ng isang propesor na nagngangalang Coleman noong 1929. Ang istratehiyang ito ay pagsalungat sa labis na pagbibigay- diin sa pasalitang pag-aaral ng wika. Ginamit ang pagpapabasa bilang paraan upang matuto ng wika ang mga mag-aaral, kasabay ng pag-aaral ng mga istrukturang gramatikal na matatagpuan sa mga teksto ng babasahin.

Set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo.  Dulog

Istruktural Kaugnay ng istratehiyang ito ang pananaw na ang pagkatuto ng wika ay may kinalaman sa paglinang ng ugali o gawi. Samakatwid, inalam ang mga istruktura ng wika at batay dito ay sinanay ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-uulit at pagsasaulo.

Set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo.  Dulog

Audio-Lingual Bilang reaksyon sa Dulog na Tuwiran at Pagbasa, gumamit ng mga modelong pagpapahayag. Sa mga klasrum ay nauso ang pagsasaulo at paggagad ng mga huwarang pangungusap. Nagsimula ang lapit na Audio Lingual kung saan gumamit ng mga tape recorder, larawan, pelikula, slides at iba pang biswal upang mapadali ang pagkatuto ng wika.

Set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo.  Dulog

Sitwasyonal

Malapit sa paniniwala ni Gouin, sa paggamit ng istratehiyang ito ay binigyan ng mga kwentong angkop sa iba’t ibang pagkakataon ang mga magaaral. Kabilang sa mga istratehiya ng Dulog Sitwasyonal ang paggamit ng aksyon o kilos at paggamit ng mga larawan at tugtugin upang maipaliwanag ang ipinahahayag.

Set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo.  Community

Language Learning Isinanib ang pagtuturo ng wika sa aspekto ng kultura. Binigyang-halaga ang nadarama ng mag-aaral, na kabilang sa isang komunidad ng mga mag-aaral. Walang elemento ng tensyon sa klasrum pagkat bawat isa ay itinuturing na mahalagang indibidwal na maaaring magturo at matuto mula sa iba.

Set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo. 

Silent Way

Halos ugnay sa teoryang Innative o Likas. Batay sa dulog na ito, ipinauubaya sa mga mag-aaral ang pagkatuto ng wika. Pinaniniwalaan ng mga tagapagtaguyod ng dulog na ito na sa pagiging tahimik ng guro, nagiging higit na mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral ng wika. Nagsasagawa ang mga mag-aaral ng iba’t ibang proyekto upang makipagtalastasan sa kapwa at sa proseso ay makatuklas ng mga katotohanang pangwika.

Set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo.  Dulog

Total Physical Response Ibinatay ito sa “trace theory” ng mga sikologo. Higit na nagiging madali ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay gumagamit ng kilos kasabay ng pagsasalita.

Set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo. Dulog

Suggestopedia Batay sa paniniwala ni George Lozanov (Morrow, 1993) nagiging mas madali ang proseso ng pagkatuto kapag nasa payapang kapaligiran ang mag-aaral.

Set ng mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo.  Dulog

Natural May malaking pagpapahalaga sa payapang damdamin ng mag-aaral. Nalilinang ang batayang komunikasyon sa mga pang-araw-araw na sitwasyon ng mga mag-aaral. Guro ang hanguan ng mga nauunawaang input na pagmumulan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Kontemporaryo: Ang Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo ng Wika  Ayon

kay David Nunan (Tompkins, 1998), katangian ng Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo ng Wika ang pagbibigay halaga sa paggamit ng wika sa mga angkop na sitwasyon , awtentikong materyales, pag-uugnay ng karanasang pangklasrum sa aktwal na sitwasyon at pagpapahalaga hindi lamang sa produkto ng pag-aaral kundi sa proseso ng pagkakamit nito.

4 na Mahahalagang Elemento na Dapat Isaalang-alang sa Kakayahang Pangkomunikatibo (ni Chomsky) ng mga Mag-aaral

(Modelo ni Canale at Swain) kakayahang

linggwistik Kakayahang sosyolinggwistik  Kakayahang istratejik  Kakayahang pandiskors

Kakayahang linggwistika- kaalaman sa morpolohiya, sintaks, bokabolaryo at mekaniks

Kakayahang sosyolinggwistikataglay ang kaalaman sa kontekstong sosyal kung saan nagaganap ang talastasan

Kakayahang istratejikNagagamit ang kaalaman para punan ang nawawalang kaalaman Kakayahang pandiskorsgumagamit ng indibidwal na interkoneksyon para malaman ang buong teksto Nalilinang nito ang kahalagahan ng wika sa akademik na gamit ( Cognitive-Academic Language Proficiency o CALP ) at batayang kasanayan sa interpersonal na komunikasyon ( Basic Interpersonal Communication Skills o BICS )

MGA DAPAT TANDAAN NG GURO NG WIKA  Pokus ng pagtuturo ang mag-aaral.  Iayon ang sitwasyon sa klasrum sa tunay

na

kapaligiran.  Gawing lubusan ang palitan ng interaksyon.  Bigyan ng mas maraming pakikisamuha o lahukang gawain ang mag-aaral.  Gumamit ng multi-media na kagamitan.  Bigyan ng regular na feedback at pagtataya ang mga mag-aaral.  Sanaying maging responsable ang mag-aaral sa sarili niyang pagkatuto.

ARALIN 3; SA UNANG ARAW NG PAGTUTURO. . . PAANO KA MAGSISISMULA/ MGA LAYUNIN

Inaasahang sa katapusan ng araling ito ay maisasagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng paghahanda ng banghay-aralin

2.Masasabi ang mga dapat isaalang-alang sa paghahanda ng banghayaralin 3. Makapagsusuri at makabubuo ng banghay-aralin sa Filipino

Bakit mahalaga ang banghay-aralin?

Ang banghay-aralin ay itinuturing na mapa o balangkas ng iyong mga inihandang gawain upang maisakatuparan ang mga layuning nais mong matamo ng iyong mga mag-aaral. 

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG KAPAG NAGHAHANDA NG BANGHAY-ARALIN.

1. Katangian ng mga Mag-aaral  ƒAno

ang antas ng kanilang kawilihan, gayundin ang lebel ng kasanayang komunikatibo?  Matatantiya mo ba ang iskema ng kanilang kaalaman at karanasan kaugnay ng mga paksang tatalakayin mo?

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG KAPAG NAGHAHANDA NG BANGHAY-ARALIN. 2. Mga Layuning Pampagtuturo

Angkop ba ang iyong layunin sa kakayahan ng magaaral?  Itinuturing ba itong pangangailangan sa kurikulum?  Natutugunan ba nito ang mga kahingiang Kognitiv, Afektiv at Saykomotor? 

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG KAPAG NAGHAHANDA NG BANGHAY-ARALIN. 3. Paksa at mga Kagamitan  ƒKawili-wili ba, napapanahon at angkop sa karanasan ng mga mag-aaral ang paksa?  Nasa antas o lebel ba ng mga mag-aaral ang uri ng wikang ginamit?  Makatawag-pansin ba ang mga kagamitang instruksyunal na gagamitin?

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG KAPAG NAGHAHANDA NG BANGHAY-ARALIN. 4.Istratehiya o mga Gawain at Takdang Panahon  Kawili-wili ba at napapanahon ang mga gawain?  Nakaayos ba ang mga hakbang mula madali papahirap?  Makatutulong ba ang mga gawain sa pagkakamit ng layunin?  Maisasagawa ba sa angkop na panahon ang mga gawain?

Gaanong kahabang panahon ang iyong itatakda sa pagsasagawa ng bawat bahagi? .  Maaaring gamiting pamantayan ang ibinigay na patnubay ni Gng. Nenita Papa (1991) sa paglalaan ng oras para sa mga gawain sa pagtuturo ng Filipino:

1. 2. 3. 4.

Bahaging Bahaging Bahaging Bahaging

Naghahanda–25% Nagtuturo–50% Nagtataya–12.5% Nagbibigay-lunas o Nagpapayaman 12.5%

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG KAPAG NAGHAHANDA NG BANGHAY-ARALIN.

5. Paglinang ng Balyu o Saloobin ƒ Batay sa paksa at mga gawain para sa isang aralin, isipin ang balyu o mabuting saloobin at pagpapahalagang maaaring linangin sa mga mag- aaral.

BAHAGI NG BANGHAY-ARALINI I.

LAYUNIN (S-M-A-R-T)

II. PAKSA

- Aralin - Sanggunian - Kagamitan - Balyu/Pagpapahalaga III PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain/ Paghahanda B. Takdang Gawain: a. Pagganyak b. Paglalahad c. Pagtalakay d. Paglalahat e.Paglalapat IV.PAGTATAYA V. KASUNDUAN

I. Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inasahang: 1. Nabibigyang kahulugan ang mga salita o parirala mula sa tula. 2. Nababasa ang tula nang malinaw at may damdamin 3. Nakapagpapahayag ng kanilang karanasan sa pagaaral. 4. Nakasusulat ng liham para sa kanilang mga magulang o sa nagpapa-aral sa kanila

II. Paksa: Mag-aral ka Anak ni Luz de Dios Filipino 1 p.15 Powerpoint presentation

III. Pamamaraan: A. Panimulang gawain - Pagdarasal - Atendans -pagbabalik-aral

B. Takdang- Gawain Banghay-aralin sa Filipino.docx

Related Documents


More Documents from "Jessica Prias Moscardon"

Ml Request For Venue
January 2021 1
January 2021 1
Ley De Empleo Por Hora
March 2021 0
January 2021 3
Polarizacion Voltaje
February 2021 10