Mga Gamit O Pangangailangan Sa Akademikong Pagsulat

  • Uploaded by: Jasper Zitte
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mga Gamit O Pangangailangan Sa Akademikong Pagsulat as PDF for free.

More details

  • Words: 1,472
  • Pages: 3
Loading documents preview...
Mga Gamit o Pangangailangan sa Akademikong Pagsulat 1. Wika - nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat - Mahalagang matiyak kung anong uri nito ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong babasa ang akda, komposisyon, o pananaliksik na nais mong ibahagi sa iba. - Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan. 2. Paksa - nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda - Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin. 3. Layunin - nagsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isang sulatin - Kailangang matiyak na matutugunan ng isang sulating isusulat ang motibo ng iyong pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa. 4. Pamamaraan ng Pagsulat - mayroong limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat - Maaaring gumamit ng paraang impormatibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. - Ang paraang ekspresibo kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral. - Ang pamamaraang naratibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa mga magkakaugnay at tiyak na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa mga ito. - Ang pamamaraang deskriptibo kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan. - Ang pamamaraang argumentatibo kung saan ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas, ito

ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan. 5. Kasanayang Pampag-iisip - dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang susulatin - Kailangang maging lohikal din ang kanyang pagiisip upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran. 6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat dapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular na sa mga sumusunod:  wastong paggamit ng malaki at maliit na titik  wastong pagbabaybay  paggamit ng bantas  pagbuo ng makabuluhang pangungusap  pagbuo ng talata  masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan  7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin - kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat 1. Obhetibo - Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon 2. Pormal - Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyan o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din. 3. Maliwanag at Organisado - Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunudsunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap. Ang talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan. 4. May Paninindigan - Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan sapagkat hindi maganda ang magpabagobago ng paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos

niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos matapos ang pagsulat sa napiling paksa. 5. May Pananagutan - Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat. Ito rin ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng iyong ginawa o sinulat. Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat 1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) Pangunahing layunin:  maghatid ng aliw  makapukaw ng damdamin  makaantig ng imahinasyon at isipan  Karaniwang ito’y naisusulat bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang. • maikling kuwento, dula, malikhaing sanaysay, komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, atb. 2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) Pangunahing layunin:  pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin  Bagamat naituturing na malawak ang kaisipang nasasakop nito, ang inaasahang higit na makakaunawa lamang ay ang mga mambabasa na may kaugnayan sa tinalakay na proyekto o suliranin na may kinalaman sa isang tiyak na disiplina o larangan. • Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati • Project on the Renovation of Royal Theatre in Caloocan City • Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina 3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)  mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang pansin nito ang tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao • Mga guro - lesson plan

paggawa at pagsusuri ng kurikulum pagsulat ng pagsusulit o assessment Mga doctor at nars medical report narrative report tungkol sa physical examination ng isang pasyente 4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)  Ito ay may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama rito ang pagsulat ng:  totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isusulat sa mga pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa radio at telebisyon. 5. Reperensyal na Pagsulat (Referential Writing) Layunin:  bigyang pagkilala ang pnagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng:  irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring pagkalapan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa  Karaniwang makikita ito sa huling bahagi ng isinasagawang pananaliksik o kaya’y sa kabanatang naglalaman ng Review of Related Literature Review of Related Literature (Kaugnay na mga Literatura)  mga teoryang pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinasagawang pananaliksik • -

Layunin ng Akademikong Pagsulat Ayon kay Royo (2001) sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na “Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik”  malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, agam-agam,bungang-isip at mga pagdaramdam Ang pangunahing layunin ng pagsulat:  mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat  magtaglay ng katangiang mapaghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa  Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag-iisip, at damdamin ng makababasa nito.

Ayon kay Mabilin (2012) “Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino”  Ang layunin sa pagsasagawa ng akademikong pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi:  Personal o ekspresibo  Panlipunan o sosyal Personal o Ekspresibo Layunin: nakabatay sa pansariling panananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat  maaaring magdulot sa bumasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat  maikling kuwento, tula, dula, awit, atbp akdang pampanitikan Panlipunan o Sosyal Layunin: makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan (transaksyunal)  Maaaring magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang nasulat bunga ng sariling pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan.  Liham, balita, korespondensya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, atbp. Kahalagahan ng Akademikong Pagsulat 1. masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan 2. malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik 3. mahuhubog ang kasisipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon 4. mahihikayat at mapapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklat sa paghahanap ng materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat 5. magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan 6. mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pagaaral at akademikong pagsisikap 7. malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis

ng kaalaman pagsusulat

para

sa akademikong

Related Documents


More Documents from "Rachelle Caballar"