Pagsulat Sa Humanidades.pptx

  • Uploaded by: Retarded Kirito
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Pagsulat Sa Humanidades.pptx as PDF for free.

More details

  • Words: 530
  • Pages: 14
Loading documents preview...
Pagsulat sa Humanidades

May tatlong anyo sa pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin (Quinn at Irvings 1991)

A.Impormayonal • Paktuwal na Impormasyon - bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionate tungkol sa may akda o libro sa pabalat , artikulo tungkol sa kasaysayan ng mga bagay at iba pa.

Halimbawa: Maliban sa masusing pagsalaysay kung paanong nakakamit at napapanatili ng katutubong Talaanding ang kulturang kapayapaan,nilalaman din ng aklat ang mga salaysay tungkol kay Agyu,ang bida at bayani ng mga Manobo at Talaandig sa Mindanao , pitong modyul sa pagtuturo ng edukasyonng pangkapayapaan at kuwentong pambata ng Talaandig na huhubog ng isang kamalayang makatao ang sinama sa aklat. -Geraldine Villaruz,RSCJ Nalandangan:

Kulturang Kapayapaan ng Inang Malinandang ng Talaandig(2014)

• Paglalarawan -Nagbibigay ito ng detalye mga imahe na dinedetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na kariwan ay isinasawa sa mga pampanitikan gaya ng kritisismo,tula,kuwento,nobela,at iba pa.

Halimbawa: Ni minsan, hindi pa ako nakapasok sa bahay ng mahirap.Bahay na pala ang tawag nila doon.Doon sa masikip na kawayang sahig na siya ring kainan, kuwarto,sala at kusina.Malawak ang paligid nila ngunit hirap silang makakain ng tatlong beses sa isang araw. -Joel Albulario”Merli”Binhi,1990

• Proseso - Binubuo ito ng paliwanag kaugnay ng teknik,paano isinagawa,at ang naging resulta na kadalasa'y ginagawa sa sining at musika.

Halimbawa: Sumunod na naisipan nina Picasso at Braque ang paglalagay na tunay na bagay sa kanilang gawa:kapirasong diyaryo o, di kaya, upuang yantok....Ngunit kahit na naipahiwatig ng mga likhang ito ang damdamin at alaala ng isang pook o bagay, ang kabuuan ng mga bagay-bagay ay nawala.Nagkawasak-wasak ang mga gitara't nagkawatakwatak ang pagmumukha ng mga tao ni Picasso. Rodolfo Paras Perez,” Sining ng Nagsisikip na Dingding”Binhi,(1990)

• Imahinatibo - Binubuo ito ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon(nobela,dula,maikling kuwento)sa larangan ng panitikan,gayundin ang pagsusuri dito. Ang pagsusuri ng malikhaing akda(piksyon) ay nagbibigay-tuon sa kung ano ang mensaheng ipinahahayag at paano nila ito ipinahahayag.Ang apela nito ay sa imahinasyon at emosyong ng nagbabasa o nakikinig.Gayundin,sinusuri ito ayon sa estilo, at maging lihika na akda.

Ang pagsusuri ng piksyon,kinakailangan ang analitikal at kritikal na ebalwasyon at pagbasa na katatampukan ng sumusunod na elemento:tauhan, aksyon, tagpuan, banghay(plot)tema, wika at ebalwasyon ng akda kaugnay ng katangian,kahulugan at kabuluhan nito. Sa larangan naman ng sining at musika,ang pagsusuri ay batay sa kakaibang katangian ng akda, kabuluhan,at katangian nito ayon sa ibinibigay nitong ginhawa,malalim na pag-unawa, at bagong kaisipan kaugnay ng karanasan at buhay ng sangkatauhan.

Halimbawa: Sa “Himagsik ni Emmanuel,”masasabing napaka-Asyano ang pananaw ng awtor sa kasaysayan ng tao.Ang pagbabalik, gaya ng nabanggit, ay sirkular-buhay at kamatayan, Alpa at Omega, Yin...Hindi lamang saksi ang bundok kundi sagisag na ito ng walang katapusang kasaysayan ng tao at ng kaniyang kamalayan.Sa bundok unang nagising ang kamalayan ni Emmanuel sa pamamagitan ni Aurora at sa bundok din siya yayao.Ngunit sa bundok mababalik habang nakaabang ang wlang kapaguran ni Apo Layo. Ma.Crisanta Nelmida Flores,Panitikan Bilang Panunuring Panlipunan,Daluyan 2004

C. Pangungumbinse -Pangganyak ito upang mapaniwala o dimapapaniwala ang bumabasa,nakikinig at nanonood sa teksto o akda.Subhetibo ito kaya't mahalaga ang opinyon ay kaakibat ng ebidensiya at katuwiran o argumento. Makikita ang ganitong anyo ng pagsulat sa mga kritisismo o rebyu ng libro,pelikula, dula,sining,musika at iba pa.

Related Documents

Aralin-1.-ang-pagsulat
January 2021 2
Sa#2
January 2021 2
Coboce Sa.
February 2021 3

More Documents from ""