Kuwarter 2 Aralin 1

  • Uploaded by: Alexis Follosco
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Kuwarter 2 Aralin 1 as PDF for free.

More details

  • Words: 2,027
  • Pages: 15
Loading documents preview...
10 Filipino Kuwarter 2- Aralin 1 Kaalamang Kolokasyon

1

Filipino – JHS Baitang 10 Aralin 1: Kaalamang Kolokasyon Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng karapatang-ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi kinakatawan maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari sa mga ito. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul Manunulat:

Maricel N. Formales

Editor:

Nora J. Laguda

Tagasuri ng Nilalaman:

Sonny A. Taugan

Gumuhit ng Larawan:

Jan Ervin S. Babor

Nagdisenyo ng Pahina:

Jaycel P. Laurente

2

Paunang Salita Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay: Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga magaaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito. Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral: Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang magalala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo. Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!

0

Kaalamang Kolokasyon

P

animula

Magandang Umaga! Handa na ba kayo sa bagong aralin? Isa sa mga araling itinuturo sa

asignaturang

pagpapalawak Dito,

ang

malalim

ng

mga na

Filipino

ay

talasalitaan. salitang

may

kahulugan,

matatalinhagang salita at mga bagong nauusong salita ay pinagaaralan

upang

lubusang

maunawaan ang tekstong pinagaaralan. Tunay ngang may mahikang hatid ang mga salita na kapag ang salita ay idinugtong sa isa pang salita ay muli tayong makakabuo ng iba pang kahulugan. Tara alamin natin kung ano ang tawag ng pagdaragdag ng salita sa isa pang salita upang makabuo ng isang bagong salita at kahulugan.

L

ayunin

Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (Collocation). F10PT-lla-b-71

1

T

alasalitaan

May mga ilang salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Magagamit mo ang mga ito upang ganap mong maunawaan ang mga susunod na talakayan tungkol sa ating paksa -

Kahulugan

Ibig sabihin o katumbas na salita -

Kolokasyon

Pag-iispi ng iba pang salita na isasama sa isang salita o talasalitaan upang makabuo ng iba pang kahulugan -Salitang ugat - salitang walang dagdag o salita na buo ang kilos

Punong-salita

Salita

-yunit ng wika na nagtataglay ng kahulugan

Subukin nga natin ang iyong kaalaman sa sa bago nating aralin. Alam ko kayang kaya mo ito!

P

animulang agsubok

Panuto: Magbigay ng mga salita na maaaring isama o idugtong sa punong salita upang makabuo ng iba pang kahulugan. Halimbawa: ulan

alat

Tubig

pampaligo

kanal

2

1. Bahay

2. Kuwento

3. Mata

Binabati kita! Nasagutan mo ang panimulang pagsubok!

Mga Gawain sa Pagkatuto Ano ang kolokasyon? May mga punong mga salita na kapag dinagdagan ng iba pang salita ay maaaring makabuo ng ibang kahulugan. Tinatawag itong KOLOKASYON/COLLOCATION Ginagamit ang kolokasyon upang magkaroon ng iba pang kahulugan ang mga salita batay sa isa pang salita. Nilalayon nitong magamit ang isang punong salita sa iba pang salita. Pinayayaman nito ang salita at bokabularyo ng mga magaaral. Narito ang halimbawa: Bahay - ( ang salitang bahay ay may sariling kahulugan na ibig sabihin ay tahanan o tirahan ng tao o hayop. Kapag dinagdagan o dinugtungan mo ito ng iba pang salita ikaw ay makabubuo ng panibagong salita at kahulugan Kapit + bahay = kapitbahay - ibig sabihin isang taong naninirahan 3

malapit sa bahay niyo Kasama + bahay = kasambahay -taong kasama at katulong sa gawaing bahay Lipat+bahay = lipatbahay – lumipat ng bahay o lumipat ng tirahan Buhay Habambuhay Agawbuhay Talambuhay Kathambuhay

Itiman ang angkop na bilog. Nauunawaan ko ang ang tungkol sa kolokasyon o pag-iisip ng salita na maaaring idugtong sa punong salita para makabuo ng bagong salita at kahulugan. o Oo o Medyo o Hindi Yehey! Masaya akong malaman na pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin ay naging malinaw sa iyo ang konsepto tungkol sa kolokasyon. Iba ka talaga! Pinabilib mo ko ! Ipagpatuloy mo pa.

P

agsasanay 1

Panuto: Basahin ang mitolohiya “Rihawani” mula sa Pilipinas at pagkatapos piliin ang iba pang halimbawa ng kolokasyon. Itala ang inyong sagot sa sagutang papel.

Rihawani Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng puting usa na may busilak na puso. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon. Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa masukal na pook na ito ay ingat na ingat at takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan, pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay na maaari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas,pumpon ng bulaklak, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa.

4

Sang-ayon sa kanila, may nakakita na kay Rihawani. Isa sa mga taong naninirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at bungang – kahoy ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan lalo na ang pilik-mata nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa tabing-ilog. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng mga mapangahas na tao ay mabilis na tumakbo dahil sa takot na makita ni Rihawani, ang diyosa. Nang makarating ito sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang naging katatakutan ang kagubatang iyon.

Kamusta ang unang pagsasanay?

MADALI ba o

MAHIRAP?

Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1? Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY! Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2. Kung mababa sa 5, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

P

agsasanay 2

Panuto: Tukuyin ang punong salita at salitang iniugnay o idinugtong sa sumusunod na nabuong salita o pahayag. Punan ang talaan sa ibaba.

Salita/Kolokasyon 1. Anak-pawis 2. Matapobre 3. Bungang-araw 4. Dalagang-bukid 5. Hampaslupa 6. Basag-ulo 7. Basangsisiw 8. Kamay na bakal 9. Haliga ng tahanan 10. Pusong-mamon

Punong salita

5

Salitang idinugtong

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2. Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

P

agsasanay 3

Panuto. Bigyan ng mga kaugnay na salita ang mga sumusunod na punong salita. Paramihan sa pagbuo ng kolokasyon at ibigay ang kahulugan ng nabuong salita.Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. Punong salita

Kolokasyon

Kahulugan

Lakbay

_______________ _______________ _______________

_______________________ ________________________________ ________________________________

Lupa

______________ ______________ ______________

_____________________________ _____________________________ _____________________________

______________ ______________ ______________

_____________________________ _____________________________ _____________________________

1. 2.

2.

3.

Isip

Lodi na kita! Natapos mo ang mga pagsasanay Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?





6



P

angwakas na agsubok

Panuto. Magbigay ng 2 salita na maaaring idugtong sa salitang-ugat upang makabuo ng panibagong salita. Ibigay ang kahulugan ng nabuong salita at gamitin ito sa pangungusap. Salitang-ugat Nabuong salita Kahulugan salita 1. Bata 1.______________ ______________ 2.______________ ______________ Pangungusap 1.__________________________________________________ 2.__________________________________________________ 2. Puso 1.______________ _________________ 2.______________ _________________ Pangungusap 1.___________________________________________________ 2.___________________________________________________ 3. Anak 1.______________ _________________ 2.______________ __________________ Pangungusap 1.____________________________________________ 2.____________________________________________

K G G

aragdagang awain 1 Ang ganda ng aralin natin. Ang dami kong natutuhan. Na-enjoy ko rin ang mga gawain at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga pagsasanay. Kaya parang gusto ko pa ng karagdagang Gawain. Tara magtulungan tayo!

7

Panuto: Magbigay ng isang(1) salita at iba pang mga salita na maaari mong idugtong upang makabuo ka tatlong(3) kolokasyon. Ibigay rin ang kahulugan ng nabuong kolokasyon.

Salita 1.

Kolokasyon

____________ -

Kahulugan

_______________ _______________ _______________

_________________________ _________________________ _________________________

TALA NG NATUTUHAN Natutuhan ko sa aralin…..

Natuklasan ko na…..

Masasabi ko na….

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang sayasaya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain.

Werpa di ba!!!? Oh, hanggang sa muli!

8

anggunian

Filipino – Ikasampung Baitang, Modyul para sa Mag-aaral,Unang Edisyon 2015, Vibal Group Inc. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEdIMCS) Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City , Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address:[email protected]

9

P

usi sa agwawasto

Panimulang PagsuboK 1. Bahay Bahay-bata Bahay-aliwan Akyat-bahay Bahay-kubo 2. Kuwento Kuwentong-bayan Kuwentong bata Kuwentong buhay Kathang kuwento 3. Mata Kisapmata Matapobre Matang baka

Pagsasanay 1 Rihawani Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng puting usa na may busilak na puso. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon. Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa masukal na pook na ito ay ingat na ingat at takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan, pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay na maaari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas,pumpon ng bulaklak, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa. Sang-ayon sa kanila, may nakakita na kay Rihawani. Isa sa mga taong naninirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at bungang – kahoy ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan lalo na ang pilik-mata nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa tabing-ilog. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng mga mapangahas na tao ay mabilis na tumakbo dahil sa takot na makita ni Rihawani, ang diyosa. Nang makarating ito sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang naging katatakutan ang kagubatang iyon.

10

Pagsasanay 2 . Salita/Kolokasyon 1. Anak-pawis 2. Matapobre 3. Bungang-araw 4. Dalagang-bukid 5. Hampaslupa 6. Basag-ulo 7. Basangsisiw 8. Kamay na bakal 9. Haliga ng tahanan 10. Pusong-mamon

Punong salita Anak Mata Bunga Dalaga Lupa Ulo Sisiw Kamay Tahanan Puso

Pagsasanay 3 (Ang kasagutan ay depende sa mag-aaral) Lakbay 1.lakbay – lakbay aral 2. lakbay sanaysay 3. masayang lakbay 4. malungkot na lakbay Lupa 1. Amoy lupa 2. Hampas lupa 3. Matabang lupa 4. Lupang sinilangan Isip 1. Bukas na isip 2. Likhang isip 3. Isip bata 4. Isip lamok

11

Salitang idinugtong Pawis Pobre Araw Bukid Hampas Basag Basa Bakal Haligi Mamon

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 178 1288 Email Address: [email protected]

12

Related Documents


More Documents from "The Good News Center"

Kuwarter 2 Aralin 1
January 2021 6
February 2021 3
January 2021 2
Sgs
February 2021 3
Interes Simple
March 2021 0